"kawal ni PGMA"

Ako’y isang kawal nitong ating bayan
Dugo’t buhay pag ibig handang
ialay sa inang bayan
Umulan man umaraw tuloy parin ang lakad
sa matarik na kabundukan,
Pagkat yan ay aming pasyalan
Kayat kayong mapangpaimbabaw
kunwari panglahatan ng bayan ang pag unlad
ang iyong pinaglalaban ngunit,
ang katotohanan ay
pansariling kapangyarihan ang siyang
inaasam asam…

Sa mahal kong kabiyak, wag mag alala
Sa anumang mang digmaan wag mangamba
pagkat ako’y di matakot sa anumang disgrasya
Pag ibig mo’t pagmamahal ang siyang tapang kong dinadala,
at si Amang Diyos ang aking sandata.

Mahal kong asawa ako’y nalulungkot
Lalo na sa mga araw at gabi lamok ay kasama,
ngunit larawan at ala-ala moy sa isip ko’y nakikita..
Sa ganitong sitwasyon, ako’y walang magagawa
pagkat ako’y nanumpa dun sa Luzon nagmula.
Ganito buhay sundalo ni Gloria..

Itong tulang ito’y para sa mahal kong asawa
Upang sa puso’t isipan
ipapahatid ang pagmamahal ko sayo tuwina.




Pfc jvermon

Author: pFC. rlvermonjr
If you are the copyright holder of this poem and it was submitted by one of our users without your consent, please contact us at http://support.scrapbook.com and we will be happy to remove it.