"MAHAL KITA TALAGA (I LOVE YOU TRULY) Philippine Language"

Kung may bukas …nais kong kasama ka
Sa gabi’y kapiling ka walang iba
Ang puso koy mamamatay aking sinta
Kung magigising sa piling ng iba.

Pangarap ko huwag sanang sa alapaap mapunta
Dasal kong pag mamahal maramdaman mo tuwina
Alay kong puso malasin mo’t ginigiliw ka.
Saan man ako naroon hinahanap kita.

May imbing dalamhati ang bawat pag-ibig
Subalit walang takot ko itong susuungin
Sa ngalan ng pag-ibig buhay ay di mahalaga
mapatunayan ko lang sa iyong minamahal kita.

MONESHEARL

Author: HELEN RAMOS
If you are the copyright holder of this poem and it was submitted by one of our users without your consent, please contact us at http://support.scrapbook.com and we will be happy to remove it.