"PUSONG UMASA ( HOPEFUL HEART) Philippine Language (Pilipino)"

Ang puso ay sadyang sa pag-ibig naka abang
Hindi matanto ang lasa kung ito man ay matabang
Labis kung kulayan ang simpling sukyap lamang
Ginto na sa ala-ala magpa sa walang hanggan..

Ngiti, bati, titig, kumusta ka..
Araw araw kasama mo pa...
Abang puso moy tiyak aasa ..
Akalay pang-habang buhay na!

Gigising sa madilim, sugat ay hahaplusin..
Impit na daing...isisigaw and damdamin..
Pilit dadayain ang katotohanang malagim..
Walang bahid pag-ibig ang pagsuyong inangkin.

Oh ang puso koy na hilam ng takipsilim
Bulag na akala...pagsuyong salat sa damdamin..
Malabis na hangaring ...pag-asang sakim
Tumulo ang luhang kay pait damahin.

Gumusing ka puso ..sya'y isang kaibigan
Baunin sa pangarap ang ligayang naranasan..
Impit man ang labi upang pagsuyo ay simulan
May ngiti pa rin ang puso kahit na nasaktan.
(MONESHEARL)
for Jan Pavel Esteleydiz Gatdula

Author: HELEN RAMOS
If you are the copyright holder of this poem and it was submitted by one of our users without your consent, please contact us at http://support.scrapbook.com and we will be happy to remove it.